
Dumating sa Sandiganbayan 6th Division ang state witness na si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo para tumestigo laban sa siyam na akusadong mga dating DPWH officials sa kasong malversation.
May kinalaman ito sa maanomalyang flood control project sa Oriental Mindoro.

Hindi maituturing na sagot sa mga reklamong impeachment ang tugon o answer ad cautelam ni Vice President Sara Duterte.
Sa halip, tila ito ay mosyon na i-dismiss ang reklamo ayon kay House Committee on Justice Chairperson at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro.

Ipinadala na sa House Justice Committee ang tugon ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa dalawang impeachment complaints laban sa kaniya.

Nasa plenaryo na ng Senado ang panukalang batas na magbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo na suspendihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo.
Target itong agad na matalakay bilang priority bill ng mga senador.

Binuksan na ngayong araw ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang apat na shower rooms na maaaring gamitin ng mga siklista at publiko na nais maging "fresh" bago pumasok sa trabaho.