Back

UNTV News and Rescue

1:46
Politics

Cuba, nanindigang hindi magpapatinag sa mga banta ni US Pres. Donald Trump

March 19, 2026 10:40 AM
PST

Nangako ang pangulo ng Cuba na hindi ito matitinag sa mga tangkang panghihimasok ng Estados Unidos.

Ito ay kasunod ng banta ni US President Trump na kukunin ang Cuba sa gitna ng kinakaharap nitong krisis sa ekonomiya bunsod ng kakulangan sa suplay ng enerhiya.

1:54
Politics

Ukraine, posibleng kulangin ng missile dahil sa nagpapatuloy na Israel-US-Iran war

March 19, 2026 10:39 AM
PST

Nahaharap ang Ukraine sa posibleng kakulangan ng mga missile dahil sa nagpapatuloy na digmaan sa Middle East.

Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, ang labanan sa pagitan ng US at Iran ay posibleng magdulot ng paghina ng depensa ng Kyiv laban sa Russia.

1:58
Politics

Intelligence Minister ng Iran, napatay sa airstrike ng Israel

March 19, 2026 10:39 AM
PST

Isa pang mataas na opisyal ng Iran ang napatay sa panibagong airstrike ng Israel Defense Force laban sa Tehran.

Kinumpirma naman ng Iran na nasawi na ang kanilang Intelligence Minister na si Esmail Khatib.

1:35
Politics

Iran, nagbabala na ipaghihiganti ang pagkasawi ng dalawang leader

March 19, 2026 10:39 AM
PST

Libu-libong Iranian ang nagtipon sa Enghelab Square sa Tehran para sa funeral procession ng mga labi ng nasawing leader ng bansa na sina Ali Larijani at Gholamreza Soleimani na napatay sa pag-atake ng Israel.

Nangako naman ang Iran ng pagganti na inaasahang magpapalala pa ng tensyon sa rehiyon.

1:43
Politics

Isa pang Pinoy, naaresto rin sa Saudi Arabia dahil sa pagbi-video ng missile attack

March 19, 2026 10:38 AM
PST

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na isa pang Pilipino sa Saudi Arabia ang naaresto ng mga awtoridad hinggil sa mahigpit na pagbabawal ng pagkuha ng mga video ng missile attack.  

Muling nagpaalala ang DMW sa ating mga kababayan na may kaakibat na security reasons ang paga-upload ng mga missile attack kaya't mahigpit nila itong ipinagbabawal.