Back

UNTV News and Rescue

0:56
Weather & Environment

Albay, handa sa mas malawak na evacuation sakaling itaas pa sa Alert Level 4 ang Mayon Volcano

March 19, 2026 10:42 AM
PST

Tiniyak ni Albay Governor Noel Rosal na handa ang pamahalaang panlalawigan na magpatupad ng mas malawak na evacuation sakaling itaas pa sa Alert Level 4 ang status ng Bulkang Mayon.

1:30
Politics

Anti‑missile system, pinag-iibayo upang palakasin ang seguridad ng bansa

March 19, 2026 10:42 AM
PST

Binigyang-diin ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. na mahalagang palakasin ang anti‑missile system ng Pilipinas upang matiyak ang pambansang depensa.

Ayon sa kalihim, seryoso ang pamahalaan sa pagpapalakas ng depensa upang maging handa sa mga banta ng terorismo at krisis sa enerhiya.

2:15
Politics

Mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc, muling nakaranas ng harassment mula sa China vessels

March 19, 2026 10:41 AM
PST

Panibagong harassment ang muling naranasan ng mga Pilipinong mangingisda sa may Bajo de Masinloc mula sa mga barko ng China na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Agad namang rumesponde ang Philippine Coast Guard at barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda doon.

2:21
Politics

Misyon ng ICI‑TWG, tapos na; Kabuuang P24.8‑B flood assets, frozen at recovered na ayon sa CICC

March 19, 2026 10:40 AM
PST

Pormal nang nag-adjourn indefinitely ang Technical Working Group for Asset Recovery ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.  

Kasunod ito ng matagumpay na operasyon kung saan bilyon-bilyong pisong halaga ng mga frozen at recovered assets mula sa mga anomalya sa flood control ang naitala ng grupo.

3:16
Politics

Antala sa paglalabas ng pondo ng DBM, pinuna ni Speaker Bojie Dy III

March 19, 2026 10:40 AM
PST

Pinuna ni House Speaker at Isabela 6th District Rep. Faustino ‘Bojie’ Dy III ang antala sa paglalabas ng pondo ng Department of Budget and Management o DBM.

Ginawa nito ang pahayag matapos ireklamo ni House Deputy Speaker-Antipolo 1st District Rep. Ronaldo Puno ang delay sa budget releases para sa infrastructure projects sa congressional districts.