
Kinondena ng Ministry of Foreign Affairs ng Qatar ang tinawag nitong brutal Iranian attack sa Ras Laffan facility na direktang banta sa pambansang seguridad.
Ayon sa QatarEnergy, nagdulot ng malawak na pinsala ang mga missile strike ng Iran sa pasilidad na itinuturing na pinakamalaking gas hub sa mundo.

Pinagpapatuloy ngayong araw ang malversation trial ng siyam na kapwa akusado ni Zaldy Co na mga tauhan ng DPWH MIMAROPA Region.
Bago pa lamang magsimula ang cross-examination, tinututulan na agad ng depensa ang pagtestigo ng witness.

Tiwala si House Good Government and Public Accountability Chairperson at Manila 3rd District Rep. Joel Chua na magkakaroon ng sapat na boto ang Kamara para maiakyat sa Senado ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ipinaliwanag ng team leaders ng Department of Social Welfare and Development na nangunguna sa ayuda rollout para sa mga tricycle drivers kung bakit bigong makakuha ng ayuda ang ilang tsuper sa Maynila.
Ayon sa kanila, expired na lisensya ang ipinapakita ng mga ito.

Pinaigting pa ng Philippine National Police ang presensya ng kanilang mga tauhan sa paligid ng mga pamilihan at grocery stores.
Layunin nito na magbantay laban sa iligal na pagtaas ng presyo ng bilihin.