Dinalaw ni Vice President Sara Duterte si Sen. Rodante Marcoleta sa Philippine National Police General Hospital (PNPGH) kaninang umaga, kung saan halos isang oras itong nanatili.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), hindi pa makababalik sa Sandiganbayan ang senador dahil hinihintay pa ang resulta ng kanyang mga laboratory test.





















