Publiko ang huhusga kung pareho ang gagawing pagtrato ng Kamara sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte at sa mga reklamong inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., batay sa pananaw ng Makabayan Bloc.
Ito’y matapos tiyakin ng tagapangulo ng House Justice Panel na kung ano ang naging approach ng komite sa pag-handle ng impeachment complaints laban kay PBBM ay gayundin sa mga reklamo laban sa bise presidente.






















