Naghain ng panibagong kahilingan ang House prosecution team matapos isauli ng Senate impeachment court ang kahong naglalaman ng tax records nina Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawang si Atty. Mans Carpio.
Hiniling ng prosekusyon na ipa-subpoena ang mga dokumento mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Samantala, itinuring din ng prosecution panel na naging matagumpay ang pagsisimula ng impeachment trial laban kay VP Duterte.





















