
Ikokonsidera ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang nationwide ban sa online gaming platform na Roblox dahil sa umano’y iligal na aktibidad sa app.
Binibigyan ng CICC ang Roblox ng isang buwan upang ayusin ang mga isyu sa threat actors tulad ng pedophiles at drug traffickers na ginagamit ang platform laban sa mga underage user.

Nakauwi na sa Pilipinas ang 26 Pilipino na nasagip mula sa labor trafficking sa Malaysia.
Dumating sila sa NAIA Terminal 3 noong March 16 na binubuo ng 16 na kalalakihan at 9 na kababaihan.

Ibinahagi ng isa sa tatlong Pilipinong naengganyo umano ng China kung paano siya napasok sa pang-eespiya.
May panawagan din ito sa mga kabataan at kawani ng pamahalaan na posibleng napunta rin sa katulad na sitwasyon na lumabas at humingi ng tulong sa gobyerno nang maaga.

Inisa-isa ni House Justice Committee chairperson at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro ang mga inaasahan sa pagsisimula ng pagdinig sa dalawang reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa March 25.
Inilarawan ni Luistro ang proseso bilang isang “preliminary investigation” upang suriin ang mga reklamong inihain laban sa Pangalawang Pangulo.

Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Airlines (PAL) ang ilang flights nito papuntang Middle East dahil sa nagpapatuloy na tensyon at digmaan ng United States, Israel at Iran.
Ayon sa PAL, kabilang sa suspendido hanggang April 30 ang mga biyahe papuntang Dubai at Doha bilang pag-iingat para sa kaligtasan ng mga pasahero at flight crew.