
- Panibagong mega oil price hike, posibleng ipatupad sa susunod na linggo
- Pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga jeepney driver at public transport sector, sisimulan na ng pamahalaan
- Bagong album ng K-pop supergroup na BTS na Arirang, top 1 sa iba't ibang music charts; comeback concert ng grupo, mapapanood live online

Bilang pagkilala sa serbisyo ng kababaihang pulis, naglunsad ang Members Church of God International ng medical mission at outreach activity sa Zamboanga City.

Tinamaan ng fragment ng Iranian missile ang isang bahagi ng Old City sa Jerusalem nitong Biyernes, oras sa Israel.
Ayon sa Israeli police, bagaman ipinagbawal ang pagbisita sa naturang complex noong nagsimula ang gulo sa Middle East, may mga turista at locals pa rin na pumupunta sa lugar.

Aabot sa 40 milyong Pilipino ang walang sapat at maaasahang access sa malinis na tubig, ayon sa Department of Environment and Natural Resources.
Ayon sa ahensya, nanganganib pang lumala ang sitwasyon dahil sa epekto ng climate change at polusyon sa mga pinagkukunan ng tubig.

Kaalinsabay ng pagdiriwang ng International Day of Happiness, lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na mayorya ng mga Pilipino ang nananatiling masaya sa kabila ng mga hamon ng buhay.
Ayon sa survey, 83% o walo sa bawat sampung Pilipino ang nagsabing masaya sila, kung saan 33% ang very happy at 50% naman ang fairly happy.