
Lalong uminit ang championship day ng UNTV Volleyball League (UVL) Season 4 sa ginanap na All-Star Exhibition Game.
Samantala, naitabla ng BFP Lady Firefighters ang championship series matapos talunin ang PhilHealth Health Insurers, dahilan upang umabot sa Game 3 ang kanilang paghaharap sa susunod na linggo.

Maaari nang gamitin ang mga e-wallet at automated teller machine (ATM) cards bilang pambayad ng pamasahe sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).
Ito ay matapos ilunsad ngayong araw ang bagong tap-to-pay technology sa linya ng tren.

Binaha ang ilang bayan sa Bulacan bunsod ng pinagsamang epekto ng high tide at habagat, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon sa Albay ngayong araw.
Ayon sa ilang residente, nagsimula ang pagbuga ng abo bandang alas-8:00 ng umaga nitong July 13.

Nananatili sa evacuation center ang 38 pamilya matapos sumiklab ang sunog sa ilalim ng isang tulay sa Congressional Avenue, Quezon City.
Samantala, nananatiling sarado sa trapiko ang tulay matapos itong mapinsala ng sunog.