
Marami ang naniniwalang nakakasira ng battery ang pag-charge hanggang 100%. Totoo nga ba? Alamin ang sagot.

Maayos na ang kalagayan ng isang Philippine eagle na na-rescue sa kagubatan ng Cabanbanagan–Sawaga River sa Malaybalay, Bukidnon.

Matapos targetin ang mga oil facility sa ilang teritoryo ng Russia, pinalawak ng Ukraine ang pag-atake nito sa karagatan.
Ilang Russian tanker sa Sea of Azov ang pinatamaan, indikasyon ng patuloy nitong pagsisikap na tamaan ang pinagkukunan ng enerhiya ng Russia.

Ayon sa Iran, wala nang dapat pag-usapan pa sa pagitan nito at Estados Unidos. Sinabi ni Iranian Deputy Foreign Minister Kazem Gharibabadi na buo ang desisyon ng kanilang bansa na igiit ang mga karapatan nito sa Strait of Hormuz.
Kasunod nito, inihayag ni U.S. President Donald Trump na hindi na niya pipigilan ang planong pag-atake sa Iran, kabilang ang mga tinawag niyang "ultimate targets" gaya ng mga tulay at oil facilities.

Ilang senator-judges ang naniniwalang may panibagong tangkang bawasan ang kanilang hanay sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang naging reaksyon nila sa timing ng pahayag ng National Bureau of Investigation (NBI) tungkol sa plano nitong imbestigahan ang umano'y mga iregularidad kaugnay ng 2019 SEA Games.