Ilang senator-judges ang naniniwalang may panibagong tangkang bawasan ang kanilang hanay sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang naging reaksyon nila sa timing ng pahayag ng National Bureau of Investigation (NBI) tungkol sa plano nitong imbestigahan ang umano'y mga iregularidad kaugnay ng 2019 SEA Games.





















