
Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: https://www.facebook.com/GoodMorningKuya
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/

- Sen. Alan Peter Cayetano kinuwestiyon ang net worth ni Sen. Lacson at SALN ni Sen. Erwin Tulfo; Lacson, binatikos si Cayetano at sinabing nararapat umano sa QC Jail
- Pamamahagi ng ₱2,000 cash aid sa mahihirap na Pilipino o Expanded UPLIFT Program, magsisimula na ngayong araw
- Trust rating ni PBBM bumaba sa 34%; VP Duterte nanatili sa 57% ayon sa SWS survey

Muling nakaranas ng matinding pag-atake ang kabisera ng Ukraine na Kyiv mula sa Russia, kung saan walo ang napaulat na nasawi habang marami pa ang nasugatan matapos ang malawakang ballistic missile strike nitong Linggo.
Sa kabila ng malaking pinsala, tiniyak ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na magpapatuloy ang pagdepensa ng kaniyang bansa. Muli rin siyang nanawagan sa mga kaalyado na magbigay ng mas maraming air defense systems.

Inamin ni Iranian Foreign Minister Seyyed Abbas Araghchi na maaaring nagkaroon ng security breach sa panig ng Iran, kaya naging matagumpay ang pag-target ng Estados Unidos at Israel kay dating Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei.

Dalawang sundalo ng Estados Unidos ang nasawi habang isa pa ang nawawala matapos tamaan ng missile at drone attack ng Iran ang isang base militar sa Jordan noong July 17.
Bilang ganti, naglunsad ang Estados Unidos ng panibagong airstrikes laban sa mga target sa Iran, kung saan isang nuclear power plant ang sinasabing tinamaan.