Back

UNTV News and Rescue

2:42
Politics

Malacañang, maglalabas ng ebidensiya para pabulaanan ang paratang ni Sen. Alan Cayetano

July 20, 2026 1:54 PM
PST

Inihayag ni Sen. Alan Peter Cayetano na ni-reject o tinanggihan umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang mamahagi ng ₱10,000 sa mga kwalipikadong benepisyaryo noong COVID-19 pandemic.

Mariin namang pinabulaanan ng Malacañang ang pahayag ni Cayetano at iginiit na wala umanong basehan ang mga ito.

1:32
Politics

Sen. Lacson binatikos si Sen. Alan Peter Cayetano; nararapat umano ilagay sa QC Jail

July 20, 2026 1:54 PM
PST

Sa isang X post, binatikos ni Sen. Panfilo Lacson ang mga banat sa kaniya ni Sen. Alan Peter Cayetano na aniya'y pag-atake sa kaniyang integridad.

Ayon pa kay Lacson, nangangalap na siya ng mga informant at mga saksi na handa umanong magbigay ng impormasyon at mga ebidensiya upang maipakulong si Sen. Alan Peter Cayetano sa Payatas, Quezon City Jail.

2:12
Politics

Minion remark ni Sen. Alan Cayetano vs. Dir. Matibag, hindi papansinin ng NBI

July 20, 2026 1:53 PM
PST

Nanindigan ang National Bureau of Investigation (NBI) na hindi nila papansinin ang anila'y "minion remark" na ginagawa ni Sen. Alan Peter Cayetano laban kay Director Melvin Matibag.

Iginiit ng NBI na sa kabila nito, magpapatuloy sila sa mga isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa umano'y anomalya sa mga proyekto sa ilalim ng 2019 Southeast Asian Games.

UNTV News and Rescue
Politics
Crime & Investigation
Lifestyle

UNTV: Ito Ang Balita Weekend Edition | July 18, 2026

July 20, 2026 7:32 PM
PST

- Chinese Foreign Ministry, itinangging gobyerno ng China ang nasa likod ng 'Monkey Video' laban sa mga Pilipino; Chinese Embassy sa Maynila, tahimik pa rin sa isyu

- Senator Alan Peter Cayetano, ipinaliwanag ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang sampung libong ayuda sa mga Pilipinong naapektuhan ng COVID-19 pandemic

- Dagdag security features sa motorcycle taxi ride-hailing apps, ipinanukala bilang proteksyon ng mga rider laban sa krimen

‍

3:04
Sports

PhilHealth at BFP, magtutuos para sa UNTV Volleyball League Season 4 title

July 18, 2026 3:27 PM
PST

Makikilala na ngayong July 19 ang kampeon ng UNTV Volleyball League Season 4.

Muling maghaharap ang PhilHealth Health Insurers at BFP Lady Firefighters sa winner-take-all Game 3 na gaganapin sa Caloocan Sports Complex.

‍