
Nagbabala ang Iran na naghahanda na ito ng malakihang opensiba, kasunod ng sunod-sunod na pambobomba ng Amerika.
Ayon sa Iran, 3 araw na lamang ang natitira bago ito magsagawa ng mas malawak na pag-atake kung magpapatuloy ang opensiba ng Amerika.
Samantala, nagsimula nang mag-refuel ang mga warplane ng Estados Unidos sa Jordan at nagdagdag na rin ito ng mga sundalo sa Gitnang Silangan.

Naghain ng kandidatura bilang kinatawan ng Lone District ng Dasmariñas, Cavite si Mayor Jennifer Barzaga, ina ni dating Congressman Kiko Barzaga.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), apat ang makakatunggali niya sa special elections.

Iginiit ng isang opisyal ng China na hindi gawa ng Chinese government ang lumabas na video na iniuugnay sa tila panghahamak sa mga Pilipino sa pamamagitan ng paghahalintulad sa mga unggoy.
Samantala, nananatiling walang pahayag ang Chinese Embassy sa Pilipinas sa gitna ng panawagang magpaliwanag kaugnay sa naturang video na umani ng sari-saring batikos.

Patuloy ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman laban sa mga opisyal ng pamahalaang sangkot sa anomalya.
Samantala, nananatiling nakabinbin sa tanggapan ang Cabral files.

Humiling ang mga motorcycle taxi rider ng ilang pagbabago sa polisiya ng mga ride-hailing app upang mapalakas ang kanilang proteksyon.
Layunin nitong mabigyan ng mas maayos na seguridad ang kanilang hanay laban sa mga masasamang loob na nambibiktima ng mga rider.