
Binigyan ng BJMP Greyhounds ng ikalawang sunod na pagkatalo ang GSIS Furies matapos ang kanilang tapatan sa Paco Arena sa Maynila kahapon.
Isang dominating performance ang ipinamalas ng Greyhounds para sungkitin ang kanilang ikalawang panalo sa UNTV Cup Executive Faceoff 2026.

Binigyan ng espesyal na pagkilala ng Department of Education ang mga katutubong guro kasabay ng selebrasyon ng National Teachers’ Day ngayong araw, October 5.
Kinilala sila ni Education Secretary Sonny Angara sa kanyang talumpati kanina.

Nakasentro ang selebrasyon ng National Teachers’ Day ngayong araw sa temang ‘Teacher, Ikaw Naman!’
Sa mensaheng inilabas ni Education Secretary Sonny Angara, sinabi nitong nakakaligtaan ng mga guro na pangalagaan ang kanilang sarili dahil nakatuon sila sa pagkatuto at kapakanan ng mga kabataan.

Hindi na nadagdagan ang mahigit dalawampung baril ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na isinuko sa Philippine National Police.
Ayon kay PNP-Civil Security Group Director PMGen. Aden Lagradante, marami pang baril ng senador ang hindi pa rin naiturn-over sa mga awtoridad.

Iniharap bilang testigo ng House prosecution team sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte si Anti-Money Laundering Council Executive Director Atty. Ronel Buenaventura.
Gayunman, tinangka ng defense team ni VP Duterte na pigilan ang testimonya nito kaugnay ng nasa bilyong pisong halaga ng covered at suspicious transactions sa mga bank account na iniuugnay sa Bise Presidente at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.