
Hindi pa natatapos ng Philippine National Police Forensic Group ang pagsusuri sa mga labi ng mga biktima ng sunog sa MV June Aster sa Coron, Palawan.
Base sa estado ng pagsusuri, nasa 50 biktima na ang natukoy ang pagkakakilanlan.

May mga nakahain ngayon sa Kamara na mga panukalang batas na nagnanais regulahin ang paggamit ng artificial intelligence (AI) sa politika, partikular tuwing panahon ng eleksyon.
Para sa isa sa mga stakeholder, posibleng pag-aralan bilang grounds for disqualification sa mga kandidatong nagpapakalat ng fake posts.

Plano na ng prosekusyon na huwag nang talakayin ang Article 3 o bribery charge laban kay Vice President Sara Duterte.
Naniniwala naman ang tagapagsalita ng Bise Presidente na si Atty. Paolo Panelo na mahinang ebidensya ang dahilan ng posibleng pag-urong ng prosekusyon sa nasabing artikulo.

Pinuna ni Senator-Judge Raffy Tulfo ang pahayag ni Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Regie Tongol kaugnay sa paglalabas ng verdict kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa senador, hindi sila dapat pinangungunahan nito sa mga usapin kaugnay ng ginagawang paglilitis.

- Anti-Money Laundering Council ( AMLC) Executive Director Ronel Buenaventura, humarap bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
- Sakripisyo ng mga guro, kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong National Teachers’ Day
- Mga panukala para sa pagreporma sa Party-List System Act, tinalakay sa House panel