
Umabot na sa 16 million subscribers ang YouTube channel ng Wish 107.5, bunga ng patuloy na suporta ng Wishers sa Wish Bus at Wishclusive performances ng mga local artist.

Naghain ng panibagong kahilingan ang House prosecution team matapos isauli ng Senate impeachment court ang kahong naglalaman ng tax records nina Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawang si Atty. Mans Carpio.
Hiniling ng prosekusyon na ipa-subpoena ang mga dokumento mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Samantala, itinuring din ng prosecution panel na naging matagumpay ang pagsisimula ng impeachment trial laban kay VP Duterte.

Hindi kailangan ang pisikal na presensya ni Vice President Sara Duterte sa mga pagdinig ng impeachment trial laban sa kanya.
Ayon kay Senate impeachment court spokesperson Atty. Regie Tongol, maaaring magpatuloy ang paglilitis kahit wala ang bise presidente, alinsunod sa mga itinakdang alituntunin ng impeachment court.

Inaasahang sisimulan na ng Senate impeachment court ang pagtalakay sa Article IV ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, na tumutukoy sa alegasyong grave threats.
Ayon kay Senate impeachment court spokesperson Atty. Regie Tongol, inaasahang magiging mas mabilis at mas madali ang pagtalakay sa artikulo.

Dumating sa Senado si Vice President Sara Duterte bago ang pagpapatuloy ng kanyang impeachment trial ngayong hapon ng Martes.