
Nangako ang Ukraine na gaganti sa mga pag-atake ng Russia sa kanilang energy at iba pang imprastraktura, kabilang ang mga tulay sa Kyiv.
Nangyari ang mga pag-atake kasabay ng pagbisita ni German Chancellor Friedrich Merz sa Ukraine.

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakaranas ng close encounter ang isa sa kanilang C-208 aircraft habang nagsasagawa ng routine maritime patrol sa Bajo de Masinloc noong Sabado, October 3.
Ayon sa AFP, dalawang Chinese military aircraft ang na-encounter ng kanilang eroplano, kabilang ang isang J-16 fighter aircraft na paulit-ulit na lumapit at nagmaniobra sa unahan at paligid ng Philippine aircraft.

Hinimok ni Department of National Defense Secretary Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr. si dating Senador Antonio Trillanes IV na magsumite ng ebidensya kaugnay sa mga akusasyon nito laban kina Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.
Ito ay may kaugnayan sa umano’y pagtanggap nina VP Duterte at Atty. Carpio ng milyong pisong halaga ng pera mula sa Chinese government at ilang Chinese corporations.

Nilinaw ng ilang senador na hindi lamang si Impeachment Court Presiding Officer Francis ‘Chiz’ Escudero ang nagdesisyong huwag maglabas ng subpoena kay dating Senador Antonio Trillanes IV.
Sa isang social media post, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na tinalakay ng Impeachment Court ang usapin at hindi ito desisyon ng Presiding Officer lamang.

Posibleng hindi na ipresenta ng House Prosecution team sa impeachment trial ang Article III o paratang na panunuhol o bribery laban kay Vice President Sara Duterte.
Maaaring gawin ang pormal na manifestation ng Prosekusyon hinggil dito sa pag-resume ng paglilitis ngayong linggo.