
- Senate President Sherwin Gatchalian, tiniyak na mahigpit na susuriin ang budget para sa infrastructure projects
- Pag-recant o pagbawi ni Orly Guteza ng kanyang salaysay laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, may epekto sa kanyang kredibilidad, ayon sa isang abogado
- Mga paaralan sa buong bansa, isasailalim sa active attack drill sa Agosto 25

Tatapusin ngayong linggo ang Ulchi Freedom Shield joint military drills ng Estados Unidos at South Korea, na una sanang nakatakdang tumagal ng 10 araw.

Tila nagiging public relations firm umano ng kontrobersyal na negosyanteng si Tony Yang ang Chinese Embassy, ayon sa Department of National Defense.
Kinuwestiyon ng DND ang sunod-sunod na pahayag ng embahada na tila pagtatanggol kay Yang at sa iba pang indibidwal na nasasangkot sa mga kontrobersiya sa bansa.

Naniniwala ang Malacañang na dapat sampahan ng kaso ang umano'y mastermind na nasa likod ng mga testigong may kaugnayan sa flood control scandal na nagbago-bago ng kanilang testimonya.
Ayon sa Palasyo, dapat maimbestigahan at ma-verify ang mga pahayag ni Orly Guteza, ngayong binawi na niya ang kanyang mga naunang salaysay hinggil sa umano'y pagde-deliver ng mga maletang naglalaman ng pera kay dating House Speaker Martin Romualdez.

May epekto sa kredibilidad ni Orly Guteza ang ginawa niyang recantation o pagtalikod sa nauna niyang pahayag laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.