Tila nagiging public relations firm umano ng kontrobersyal na negosyanteng si Tony Yang ang Chinese Embassy, ayon sa Department of National Defense.
Kinuwestiyon ng DND ang sunod-sunod na pahayag ng embahada na tila pagtatanggol kay Yang at sa iba pang indibidwal na nasasangkot sa mga kontrobersiya sa bansa.






















