Naniniwala ang Malacañang na dapat sampahan ng kaso ang umano'y mastermind na nasa likod ng mga testigong may kaugnayan sa flood control scandal na nagbago-bago ng kanilang testimonya.
Ayon sa Palasyo, dapat maimbestigahan at ma-verify ang mga pahayag ni Orly Guteza, ngayong binawi na niya ang kanyang mga naunang salaysay hinggil sa umano'y pagde-deliver ng mga maletang naglalaman ng pera kay dating House Speaker Martin Romualdez.






















