
Hindi naman sila binigo ng mga artist dahil pangmalakasang performance ang hatid ng mga ito sa kanilang mga supporters.

Aabot sa P2.73 billion ang katumbas ng hindi nabayarang buwis ng mga distributor sa mga ilegal na vape products ayon sa Bureau of Internal Revenue o BIR.

Agad ibibigay ng National Bureau of Investigation sa korte sa Davao ang kustodiya kay Sarah Discaya oras na maglabas na ito ng warrant of arrest.
Ayon kay National Bureau of Investigation o NBI Director Atty. Angelito Magno, ibibigay nila sa korte sa Digos City, Davao del Sur ang kustodiya kay Discaya dahil doon nakahain ang mga kasong kriminal na kinakaharap nito kaugnay ng anomalya sa flood control projects.

Walang kinalaman o walang alam ang Department of Budget and Management pagdating sa mga pagbabago sa National Expenditure Programs o NEP.
Ito ang kinumpirma ni DBM Acting Sec. Rolando Toledo sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.

Hinikayat ng National Maritime Council o NMC ang mga mangingisdang Pilipino na huwag matakot pumalaot sa West Philippine Sea sa kabila ng pinakabagong harassment ng China laban sa mga mangingisda noong Biyernes.
Nanindigan ang NMC na ang Pilipinas lamang ang may karapatang makinabang sa mga likas na yaman sa mga bahurang nasa loob ng ating exclusive economic zone o eez, alinsunod sa lokal at internasyonal na batas.