Agad ibibigay ng National Bureau of Investigation sa korte sa Davao ang kustodiya kay Sarah Discaya oras na maglabas na ito ng warrant of arrest.
Ayon kay National Bureau of Investigation o NBI Director Atty. Angelito Magno, ibibigay nila sa korte sa Digos City, Davao del Sur ang kustodiya kay Discaya dahil doon nakahain ang mga kasong kriminal na kinakaharap nito kaugnay ng anomalya sa flood control projects.






















