Ipinatatawag ng Land Transportation Office ang isang content creator rider matapos umanong magpatakbo ng motorsiklo ng halos 190 kilometers per hour sa North Luzon Expressway.
Iniimbestigahan na ng LTO ang insidente kaugnay sa paglabag sa speed limit at posibleng paglalagay sa panganib ng ibang motorista sa expressway.






















