
Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Coast Guard na iprayoridad ang kaligtasan ng mga mangingisda, bukod sa deployment ng barko ng Pilipinas sa mga kritikal na lugar sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ng Palasyo kasunod ng panibagong harassment ng Chinese vessels sa WPS kung saan gumamit ng water cannon ang China sa mga mangingisdang Pilipino.

Naniniwala si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na ang negosasyon sa umano’y pork allocations ang dahilan ng hindi pagkakasundo sa bicam.

Nagtungo pa rin sa Philippine International Convention Center o PICC ang mga miyembro ng House contingent para sa pagpapatuloy sana ng pagpupulong ng bicameral conference committee o bicam sa 2026 national budget kahapon.
Ayon kay House Appropriations Panel Chairperson-Nueva Ecija 1st District Rep. Mikaela Suansing, hindi mutual decision ang bicam meeting postponement.

Plano ng Department of Public Works and Highways o DPWH na ituloy ang mga natenggang flood control projects ng ahensya sa bansa.
Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, kukunin pa rin ito sa pondo o savings ng kagawaran sa taong 2025.

Ipinagpaliban ang pagsasagawa kahapon ng bicameral meeting para sa panukalang budget sa susunod na taon.
Ito ay para resolbahin ang pinababalik na budget ng Department of Public Works and Highways o DPWH.