Hinikayat ng National Maritime Council o NMC ang mga mangingisdang Pilipino na huwag matakot pumalaot sa West Philippine Sea sa kabila ng pinakabagong harassment ng China laban sa mga mangingisda noong Biyernes.
Nanindigan ang NMC na ang Pilipinas lamang ang may karapatang makinabang sa mga likas na yaman sa mga bahurang nasa loob ng ating exclusive economic zone o eez, alinsunod sa lokal at internasyonal na batas.






















