
Nasunog kahapon ang isang warehouse sa Caloocan City na nasa J. Mariano Street, Barangay 95.
Dahil sa lakas ng apoy, itinaas ng Bureau of Fire Protection sa ikatlong alarma ang sunog.

Nakaalerto na ang lahat ng unit ng Philippine National Police o PNP para sa inaasahang dagsa ng mga byahero ngayong holiday season.
Ayon kay PNP Acting Chief Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., nagdagdag na ang ahensya ng police visibility sa mga ports, terminals, at iba pang transport hubs sa buong bansa.

Papayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga public utility vehicles o PUV na mag-operate gamit ang mga digital na provisional authority.
Ayon sa ahensya, maaaring mag-operate ang mga PUV kapag ang kanilang provisional authority ay nai-upload na sa online verifier system ng ahensya.

Naniniwala si House Infrastructure Committee Co-Chairperson at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na maaaring maging batayan ng ethics complaint ang naging aksyon ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez sa 33rd Southeast Asian o SEA Games sa Thailand.
Ito ay matapos makuhanan ng CCTV ang pambabatok ng kongresista sa Philippine Fencing Association o PFA President Rene Gacuma sa fencing venue ng SEA Games.

Walang nakitang foul play sa pagkasawi ni dating DPWH Usec. Maria Catalina Cabral, ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla.
Batay ito sa isinagawang autopsy ng mga awtoridad sa nakuhang bangkay ni Cabral.