
Tatlong pasahero ang nasawi at isa ang nawawala matapos lumubog ang isang pampasaherong bangka sa karagatang sakop ng Aroroy, Masbate.
Samantala, dalawang mangingisda ang nasagip ng Philippine Coast Guard matapos ma-stranded ng halos dalawang araw sa dagat sa Camarines Norte.

Naka-heightened alert ang buong Taiwan matapos ang insidente ng pananaksak at smoke bomb attack sa Taipei noong nakaraang Biyernes, December 19, 2025.

Naghahanda na si United States President Donald Trump ng mas agresibong immigration crackdown sa 2026, sa kabila ng mga pagbabatikos ng ilang politiko at publiko.
Inaasahan ang mas maraming workplace raids sa tulong ng bilyon-bilyong dolyar na pondo na inaprubahan ng Kongreso.

Kinumpirma ni House Deputy Speaker at Antipolo 1st District Rep. Ronnie Puno ang pagkasawi ng kasamahan nito sa National Unity Party o NUP na si Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop.
Aniya, nagkaroon ng heart attack si Acop noong Sabado ng gabi, December 20.

Record-breaking ang nakuhang mga medalya ng bansang Thailand sa kasaysayan ng Southeast Asian Games matapos magsara ang mga palaro noong Sabado, December 20.
Batay sa pinakahuling medal tally noong Sabado, nasa 499 medals ang nakuha ng Thailand, kung saan 233 dito ang gold medal, 154 ang silver medal, at 112 ang bronze medal.
Nanatili sa Top 6 ang bansang Pilipinas na nakakuha ng 50 gold medals, 73 silver medals, at 154 bronze medals.