Record-breaking ang nakuhang mga medalya ng bansang Thailand sa kasaysayan ng Southeast Asian Games matapos magsara ang mga palaro noong Sabado, December 20.
Batay sa pinakahuling medal tally noong Sabado, nasa 499 medals ang nakuha ng Thailand, kung saan 233 dito ang gold medal, 154 ang silver medal, at 112 ang bronze medal.
Nanatili sa Top 6 ang bansang Pilipinas na nakakuha ng 50 gold medals, 73 silver medals, at 154 bronze medals.






















