Naniniwala si House Infrastructure Committee Co-Chairperson at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na maaaring maging batayan ng ethics complaint ang naging aksyon ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez sa 33rd Southeast Asian o SEA Games sa Thailand.
Ito ay matapos makuhanan ng CCTV ang pambabatok ng kongresista sa Philippine Fencing Association o PFA President Rene Gacuma sa fencing venue ng SEA Games.






















