Back

UNTV News and Rescue

2:55
Politics

Greenland annexation ng US, mariing tinututulan ng Greenland Prime Minister

January 6, 2026 9:26 PM
PST

Muling naungkat ang pagnanais ni US President Donald Trump na i-takeover ang Greenland mula sa kontrol ng Denmark matapos ang pagkakahuli kay Venezuelan leader Nicolás Maduro.

Ayon kay Trump, kailangan ng US ang Greenland para sa national security, bagay na mariing tinututulan ng Prime Minister ng Denmark at Greenland.

1:08
Politics

Strategic dialogue channels, napag-usapan sa pulong ng South Korea at Chinese leaders

January 6, 2026 9:27 PM
PST

Nag-viral sa social media ang selfie ni South Korean President Lee Jae Myung kasama si Chinese President Xi Jinping gamit ang smartphone na regalo ni Xi, na minsang biniro ng Chinese leader na maaaring may “backdoor” o spying capability.

4:04
Politics

Agresyon at propaganda ng China sa West Philippine Sea, magpapatuloy pa ayon sa Philippine Navy

January 9, 2026 7:14 AM
PST

Hindi lamang agresyon sa dagat kundi pati propaganda ang patuloy na ginagawa ng China sa West Philippine Sea.

Ayon sa Philippine Navy, asahan nang magpapatuloy pa ito ngayong taon, kaya mas pinaigting ng Pilipinas ang paghahanda at mas maraming pagsasanay pa ng Sandatahang Lakas kasama ang mga kaalyadong bansa.

3:56
Politics

Sen. Gatchalian, bukas sa pagkuwestiyon sa Supreme Court ng unprogrammed funds sa 2026 GAA

January 6, 2026 9:34 PM
PST

Bukas si Senate committee on finance chair Sherwin Gatchalian sakaling umakyat sa Korte Suprema ang pagkuwestiyon sa unprogrammed funds na nakapaloob sa 2026 General Appropriations Act o GAA.

Nilinaw naman ng senador na walang nabawas o nawalang pondo para sa bonus, benepisyo, at pensyon ng mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng 2026 GAA.

3:23
Politics

PBBM, kumpiyansa sa legalidad ng 2026 General Appropriations Act

January 6, 2026 9:34 PM
PST

Kampante ang Malacañang na ang 2026 national budget ang pinakamalinis na naipasang pondo ng bansa, matapos ang masusing pagbusisi sa mga probisyon at alokasyon nito.

Dahil dito, hindi ikinababahala ng administrasyon ang posibilidad na kuwestiyunin sa Korte Suprema ang legalidad ng 2026 General Appropriations Act.