
Kinondena ng Makabayan bloc lawmaker ang 2026 budget cut para sa government personnel.
Tiniyak naman ng House Public Accounts Committee ang mahigpit na monitoring sa pagpapatupad ng 2026 national budget.

Malaki ang ibinaba ng kaso ng krimen noong 2025, batay sa tala ng Philippine National Police. Dahil dito, umaasa ang PNP na mapananatili at higit pang mapapababa ang crime rate ngayong 2026.
Upang maisakatuparan ito, naglabas na ng mahigpit na direktiba ang acting PNP chief sa mga pulis, na paigtingin ang presensya sa komunidad at ipatupad ang mas disiplinado at tuluy-tuloy na law enforcement operations.

Natuwa ang Department of Foreign Affairs sa pahayag ng Australia na walang ebidensya na nakatanggap ng pagsasanay o logistical preparation sa Pilipinas ang mga suspek sa Bondi beach attack.

Naghain ng ‘not guilty’ plea ang pinatalsik na Venezuelan leader na si Nicolás Maduro at ang asawa nito sa Manhattan Federal Court.

Nakapagtala ang Department of Tourism ng pagtaas ng bilang ng mga lokal na turista sa mga beach at mountain destinations ngayong holiday break.