Bukas si Senate committee on finance chair Sherwin Gatchalian sakaling umakyat sa Korte Suprema ang pagkuwestiyon sa unprogrammed funds na nakapaloob sa 2026 General Appropriations Act o GAA.
Nilinaw naman ng senador na walang nabawas o nawalang pondo para sa bonus, benepisyo, at pensyon ng mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng 2026 GAA.






















