Inaasahang tataas ang singil sa kuryente sa mga susunod na buwan dahil sa epekto ng gulo sa Middle East, ayon sa power utility distributor na Manila Electric Company (Meralco).
Bukod dito, pagdating ng huling linggo ng Marso, posibleng pumasok ang tag-init na magdudulot din ng pagtaas sa konsumo ng kuryente.






















