
Patuloy umanong ginagampanan ni Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa ang kanyang tungkulin bilang mambabatas kahit pa matagal na itong hindi nakikita sa Senado ayon kay Sen. Imee Marcos.
Magdadalawang buwan nang hindi nakikitang personal sa Senado si Sen. Bato Dela Rosa.

Iginiit ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao na tama lang ang ginawang aksyon ng nanitang enforcer sa anak ng transport vlogger na si James Deakin. Sinita ng traffic law enforcer ang anak ni Deakin sa Skyway stage 3 noong December 18, 2025 dahil sa pagtawid sa solid yellow lane para makalabas sa Quezon Avenue exit.

Naresolba na ng Philippine National Police (PNP) sa tulong ng Internal Affairs Service ang nasa mahigit sa 4,000 kasong administratibo ng mga pulis. Sangkot dito ang nasa 6,000 pulis kung saan mahigit 1,000 ang naalis na sa serbisyo.

Malaya ang sinuman na maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte simula February 6, 2026. Ito ang petsa kung kailan magtatapos ang one-year ban sa paghahain ng reklamong impeachment laban sa opisyal, batay sa desisyon ng Korte Suprema.

Wala pang impormasyong natatangap ang Independent Commission for Infrastructure o ICI mula sa Malakanyang na bubuwagin na umano ang independent investigating body, ayon kay Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka.