
Welcome para sa Philippine National Police (PNP) ang assessment ng Australian authorities na nagsasabing hindi nag-training sa Pilipinas ang mga suspect sa mass shooting sa Bondi Beach.
Nauna na ring lumabas sa intelligence findings ng PNP na hindi nag-training sa Pilipinas ang mga suspek.

Nanumpa sa Malakanyang kahapon ang nasa 37 bagong promote na mga heneral ng Armed Forces of the Philippines at bagong mga graduate na officer mula sa Foreign Pre-Commission Training Institution.
Nanumpa sila sa harapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang commander in chief ng bansa.

Nag-collapse ang crater dome ng Bulkang Mayon kagabi na nagdulot ng tuluy-tuloy na pagdaloy ng pyroclastic density current o PDC at pagbagsak ng mga bato mula sa bunganga ng bulkan.
Nagpakita rin ito ng crater glow o banaag na umabot hanggang sa gitnang bahagi ng bulkan.

Hindi nababahala si Canadian Prime Minister Mark Carney kung sakali mang tumaas ang produksyon ng Venezuelan oil matapos na maaresto ng Estados Unidos si Nicolas Maduro.
Kampante si Carney na kayang tapatan ng Canada ang naturang langis ng Venezuela.

Tila tumataas ang tensyon mula nang muling igiit ni U.S. President Donald Trump ang posibleng pag-angkin nito sa Greenland.
Samantala, nagpahayag naman ang ilang bansa sa Europe at Canada ng suporta at pakikiisa sa pagdepensa sa soberanya ng Greenland, na isang Inuit self-governing territory ng kaharian ng Denmark.