
-Impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, maaari nang ihain simula Pebrero 6, 2026
-SP Sotto, pinabulaanan ang mga akusasyon ni Sen. Imee kaugnay ng Blue Ribbon hearing
-Walang anumang impormasyon o abiso mula sa Malakanyang hinggil sa pagbuwag sa ICI — Atty. Hosaka

Nakahanda ang Department of Agriculture na humingi ng tulong sa mga law enforcement agency para sa mas malalim na imbestigasyon, kung magpapatuloy ang hindi pakikipagtulungan ng ilang retailer sa pagtukoy sa pinagmumulan ng suplay ng sibuyas, kaugnay ng patuloy na mataas na presyo nito sa merkado.

Gagamit na ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ng artificial intelligence o AI-powered pre-validation system para maiwasan ang pandaraya sa health insurance claims at maprotektahan ang pondo.

Ipinag-utos ng Department of Transportation (DOTr) ang lahat ng hakbang upang maiwasan ang siksikan ng mga pasahero sa MRT-3.
Kasunod ito ng viral video sa social media kung saan makikitang nagsiksikan ang mga pasahero sa platform ng MRT-3. hakbang upang maiwasan ang siksikan sa MRT-3, ipinag-utos ng DOTr

Welcome para sa Philippine National Police (PNP) ang assessment ng Australian authorities na nagsasabing hindi nag-training sa Pilipinas ang mga suspect sa mass shooting sa Bondi Beach.
Nauna na ring lumabas sa intelligence findings ng PNP na hindi nag-training sa Pilipinas ang mga suspek.