Nag-collapse ang crater dome ng Bulkang Mayon kagabi na nagdulot ng tuluy-tuloy na pagdaloy ng pyroclastic density current o PDC at pagbagsak ng mga bato mula sa bunganga ng bulkan.
Nagpakita rin ito ng crater glow o banaag na umabot hanggang sa gitnang bahagi ng bulkan.























