Iginiit ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao na tama lang ang ginawang aksyon ng nanitang enforcer sa anak ng transport vlogger na si James Deakin. Sinita ng traffic law enforcer ang anak ni Deakin sa Skyway stage 3 noong December 18, 2025 dahil sa pagtawid sa solid yellow lane para makalabas sa Quezon Avenue exit.





















