
Agad na pinabulaanan ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang mga naging pahayag ni Sen. Imee Marcos.
Ayon kay Sen. Marcos, pinipigilan umano na ungkatin ang posibleng pagkakasangkot ng ilang mataas na opisyal ng pamahalaan sa kontrobersyal na flood control projects.

Tiniyak ng House Committee on Public Accounts na magpapatupad ang Kamara ng mga hakbang upang maiwasan ang pulitikal na panghihimasok sa pamamahagi ng tulong ng gobyerno sa ilalim ng ₱6.793 trilyong 2026 national budget.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, hindi na kailangan ng guarantee letter sa DOH hospitals dahil ipinatutupad na ng pamahalaan ang zero balance billing program.
Dagdag pa nito, inaasahang bago matapos ang Enero o sa kalagitnaan ng Pebrero ay ilalabas na nila ang guidelines para sa Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o MAIFIP.

Hindi dapat mabahala ang Pilipinas kahit pa may naitala nang positibong kaso ng superflu variant sa bansa ayon kay Department of Health Secretary Teodoro Herbosa.
Sa ulat ng kalihim, 17 cases na ng bagong influenza subclass ang natukoy batay sa review na ginawa sa Epidemiology Bureau data ng DOH.

- Independent Commission for Infrastructure, bubuwagin na umano simula February 1, ayon kay Senator Imee Marcos
- 5,594 mula sa mahigit 11,000 kumuha ng Bar Examinations, nakapasa sa pagsusulit; graduate ng UP College of Law, top 1 sa Bar Exams
- Sasakyan na minamaneho ng anak ng host at vlogger na si James Deakin, wala umanong papeles ayon sa Land Transportation Office; LTO chief, nanindigang tama ang pag-isyu ng violation laban sa anak ni Deakin