Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, hindi na kailangan ng guarantee letter sa DOH hospitals dahil ipinatutupad na ng pamahalaan ang zero balance billing program.
Dagdag pa nito, inaasahang bago matapos ang Enero o sa kalagitnaan ng Pebrero ay ilalabas na nila ang guidelines para sa Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o MAIFIP.

























