Back

UNTV News and Rescue

3:30
Politics

PBBM, hinimok ang mga mag-aaral na huwag hayaang palitan ng AI ang pagiging malikhain

January 9, 2026 8:06 PM
PST

Muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng maayos at responsableng paggamit ng artificial intelligence sa edukasyon at ang integrasyon nito sa pagtuturo.

Gayunman, nagpaalala ang Pangulo na hindi dapat palitan ng AI ang pagkamalikhain, kritikal na pag-iisip, at determinasyong matuto ng mga estudyante sa gitna ng patuloy na paglaganap ng teknolohiyang ito.

4:17
Politics

SP Sotto, itinangging magagamit ang ayuda para umusad ang impeachment vs VP Sara

January 9, 2026 8:06 PM
PST

Itinanggi ni Senate President Vicente Sotto III na magagamit ang mga programang pang-ayuda ng gobyerno upang itulak ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Tinawag din niyang unfair at walang basehan ang alegasyong may soft pork barrel pa rin sa 2026 national budget.

Samantala, nananatiling tiwala ang Senate leadership na papabor ang Supreme Court sa Unprogrammed Appropriations sa kabila ng hiling na ideklarang unconstitutional ang mga ito.

3:16
Politics

Rep. Cendaña, ‘more than ready’ na mag-endorso ng bagong impeachment vs VP Sara Duterte

February 10, 2026 12:32 AM
PST

Sinabi ni House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na handa siyang mag-endorso ng panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sakaling magpasya ang mga civil society group na maghain nito.

May tanong din siya kay Sen. Imee Marcos kaugnay ng pahayag na posibleng gamitin umano ang pork barrel funds sa 2026 national budget sa pagsulong ng panibagong impeachment laban sa bise presidente.

3:06
Crime & Investigation

PNP, kinumpirma ang pagkasawi ng isang mamamahayag sa Traslacion

January 9, 2026 8:07 PM
PST

Kinumpirma ng Philippine National Police ang pagkasawi ng isang mamamahayag sa kasagsagan ng Traslacion.

Ayon sa pulisya, wala nang iba pang nasawi bagamat may naitalang mga nasaktan at nasugatan, gaya ng inaasahan sa laki ng pagtitipon.

Nanatili namang mahigpit ang pagbabantay ng mga pulis sa Maynila upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga deboto.

49:01
Crime & Investigation
Health & Lifestyle
Politics
Weather & Environment

UNTV: C-NEWS | January 9, 2026

January 9, 2026 4:25 PM
PST

- 14 na mamahaling sasakyan ni Zaldy Co, natagpuan sa isang condominium sa Taguig

- Suspended Rep. Kiko Barzaga, nais ipasalang sa comprehensive fitness determination test

- SP Tito Sotto, naniniwalang pagtitibayin ng SC ang legalidad ng Unprogrammed Appropriations