Sinabi ni House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na handa siyang mag-endorso ng panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sakaling magpasya ang mga civil society group na maghain nito.
May tanong din siya kay Sen. Imee Marcos kaugnay ng pahayag na posibleng gamitin umano ang pork barrel funds sa 2026 national budget sa pagsulong ng panibagong impeachment laban sa bise presidente.






















