Kinondena ng fashion designer na si Michael Ellis Co ang ama na si Ako Bicol Rep. Zaldy Co na nasasangkot sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Tinawag niyang nakakahiya ang mga alegasyon, at nanindigan na dapat managot ang sinumang mapapatunayang sangkot sa katiwalian kahit pa ang kanyang sariling ama.