Kinumpirma ng Philippine National Police ang pagkasawi ng isang mamamahayag sa kasagsagan ng Traslacion.
Ayon sa pulisya, wala nang iba pang nasawi bagamat may naitalang mga nasaktan at nasugatan, gaya ng inaasahan sa laki ng pagtitipon.
Nanatili namang mahigpit ang pagbabantay ng mga pulis sa Maynila upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga deboto.






















