Tila na kay dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo ang susi sa pagbusisi kung may kickback na natatanggap ang ilang opisyal ng gobyerno mula sa mga nakaraang proyekto ng DPWH.
Sa pagdinig ng Sandiganbayan, tumestigo ang driver ni Bernardo sa kasong kinahaharap ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.
Bukod sa akusadong senador, ibinunyag din ng testigo ang pangalan nina Senator Jinggoy Estrada at resigned DPWH Secretary Manuel Bonoan kaugnay ng umano’y “kahon at maleta delivery.”






















