Pormal nang humiling ang World Health Organization sa Russia ng karagdagang impormasyon kaugnay ng pagkamatay ng isang laboratory worker sa Siberia.
Kasunod ito ng mga ulat na may isa pa umanong namatay dahil sa kaparehong sakit.
Gayunman, mahigpit na pinabulaanan ng Russia na may kumpirmadong kaso ng plague, at wala ring beripikasyon sa sinasabing pangalawang kaso nito.





















