Nagsagawa ng imbestigasyon ang Land Transportation Office hinggil sa reklamo ni transport vlogger James Deakin sa social media tungkol sa umano’y maling pag-isyu ng reckless driving violation laban sa kanyang anak.
Depensa ng LTO, tama lang ang ginawa ng traffic law enforcer at nadagdagan pa ang paglabag dahil walang maipakitang papeles ng sasakyan ang anak ni Deakin.






















