Muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng maayos at responsableng paggamit ng artificial intelligence sa edukasyon at ang integrasyon nito sa pagtuturo.
Gayunman, nagpaalala ang Pangulo na hindi dapat palitan ng AI ang pagkamalikhain, kritikal na pag-iisip, at determinasyong matuto ng mga estudyante sa gitna ng patuloy na paglaganap ng teknolohiyang ito.






















